Sabado, Setyembre 17, 2016
UNDERPASS: (The Theatrical Play)
Dear White light Production,
Napakaganda, napaka husay ng inyong pagganap lubos kong naunawaan lahat ng mga sitwasyon sa buhay. Sa pag kakaroon ng malungkot na pamilya o sirang pamilya. Sa kahirapan na nag dudulot sa lahat na gumawa ng masama o mag tulak sa pinagbabawal na droga. Sobrang saya ko kase naka panood ako ng ganito na alam kong magiging inspirayon ng mga kabataan upang maka iwas sa kahit ano mang tukso. Sobrang sayang kung paano mo ipaglaban yung mga pangarap mo ng kasama ang Panginoon.Kung paanong kahit anong pagsubok na dumaan sa buhay mo, dadaan kalang pero hindi ka hihinto. Sobrang nakaka panabik o nakaka inspire na yung tiwala mo sa Panginoon hindi nawawala. Napaka saya ko nung araw na yon lalo na't napansin kong maraming kabataang nagustuhan o naantig sa kwentong yon. Sana patuloy nyo pang pag husayan ang pagganap nyo. Bigyan pa sana kayo ng Panginoon ng maraming biyaya na makakatulong sa ilang mga kabataan o mga matanda na wala sa pamamaraan ng Panginoon. Nag papasalamat ako sa Panginoon na ginawa niya kayong kasangkapan upang patatagin ang loob naming mga kabataan sa pag abot namin sa aming mga pangarap. At upang malaman namin na may Diyos na buhay na handang tumulong at mahalin ka sa Pagkakataong nangangailangan ka.
- Masaya ako na napanood ko ito. Sobrang saya dahil alam ko na sobrang nakatulong ito. Hindi lang sa sarili ko kundi sa lahat ng taong nangangarap, at sa mga taong nangangailangan ng Pagmamahal na minsan ay hindi naibibigay ng ibang tao. At natuwa ako sa layunin ng Palabas na ito na patuloy na sugpuin o iwasan ang droga na lumalaganap ngayon. At sa halip na marami ang maligaw marami ang muling malilinawan na ang Droga ay masama at hindi ito nakakatulong sa Pag papaunlad ng sarili o kahit na bansa pagkat ito'y nakakasira ng buhay. "Pahalagahan sana natin ang buhay na Pinagkaloob ng Panginoon at sa araw araw ay huwag nating kalimutang mag pasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap natin maliit man o malaki."
Sa kabilang dako bilang pag hahambing sa asignatura naming Filipino ang Antas ng Wikang ginamit sa palabas ay Balbal pagkat gumamit sila ng salitang kalye katulad ng kadalasang pinag uusapan sa isang tambayan at Pampanitikan dahil gumagamit ng salitang may iba pang kahulugan. At ang barayti naman ng Wika ay Idyolek at Dayalek. at ang Tungkulin ng wika na kanilang ginamit ay Interaksyunal dahil nag papatatag ito ng Relasyon at Interpersonal dahil nag nanghihikayat ito na huwag ng gumamit ng droga.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento