Dear Eat Bulaga,
Nakakatuwa namang isipin na ang dami niyong natutulungan. Minsan nananalangin ako na sana yung baranggay naman namin ang sugudin nyo. Sugudin ng mga papremyo, bigyan nyo naman din sana kami ng mga biyayang alam namin na binigay lang din sa inyong Diyos. Nalibot nyo na ang buong bansa bakit ba sa Piela sampaloc III Dasmarinas Cavite hindi pa? Pero hindi naman ako galit gusto ko lang pa experience ang blessings nyo. Dahil alam ko na makakatulong ito sa pag aaral ko, sa pag tupad sa mga pangarap ko. Alam ko na marami pa kayong matutulungan, sana lang ay hindi kayo mag sawang pasayahin at pakiligin ang inyong mga manunuod. Natutuwa din ako sa Kalyeserye dahil pinapasaya nito ang mga manunuod lalo nat pinangungunahan ito ni Maine Mendoza at Alden Richard na sinamahan pa ng tatlong lola na lalong nag pasaya sa mga manunuod lalo na sa aking Nanay na minsan ng na inspired panoorin ito.
- Alam ko na ang Eat Bulaga ay hindi lang nag bibigay ng pa premyo, hindi lang bumuo ng isang organisasyon o programa kundi nag bigay at nag hatid din sila ng saya, tuwa, kilig at pag mamahal sa kanilang mga manunuod. Makakalimutan mo nalang talaga ang problema mo kapag narinig mo ang pangalang Jose Manalo dahil nadin sa pagiging malapit nya sa kanyang mga taga hanga ay lubos silang naiinganyuhang panuorin ang palabas na ito.
- Sa kabilang dako bilang pag hahambing sa asignaturang Filipino ang antas na ginamit sa wika ay balbal kung saan nabuo sa kagustuhan ng isang pangkat o grupo. Ang barayti ng wika ay sosyolek ito ay katayuan na ginamit ng wika. Ang tungkulin ng wikang ginamit ay Instrumental pagkat ito'y nanghihikayat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento