Huwebes, Setyembre 29, 2016

Sunod sunod na Pagpatay (Droga)

  

Resulta ng larawan para sa sunod sunod na pag patay    Para sa akin hindi tama na pumatay ng isang tao ang isa pang tao kahit ano pa man ang kasalanan nito. Malaki man o maliit na bagay ang kanilang nagawa na dapat ay binibigyan pa ng pangalawang pagkakataon.
Dahil sa mata ng Diyos ay mali ito. Ayon nga sa una nyang mga utos ay "Wag kang papatay" malaking kalinawan ito sa akin kaya't naniniwala akong masama ito. Dahil ngayo nagiging daan nadin ito ng Ibang tao na pumatay kahit na wala namang kinalaman sa droga.
   Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganitong pangyayari sa ating bansa, kung bakit kailangang madamay ang mga taong wala naman kasalanan. Naiinis ako sa mga pangyayaring ito lalo na at pinagtutuunan pa nila ng pansin ang pumatay ng pumatay sa halip na puksain ang kahirapan na alam naman nating dahilan kung bakit ang iba ay nag tutulak o gumagamit ng ipinag babawal na gamot. At sa ngayoy nakakalungkot ng lumabas o mag gala-gala pa dahil may mga bagay na hindi nating inaasahang pangyayari katulad nalang ng mga Riding Intamdem na bigla bigla nalang na mamamaril at sa ngayoy may mga tao na ding pwedeng pumasok sa bahay ng bawat pamilya.

Huwebes, Setyembre 22, 2016

About Ate Thea

Ako si Thea Marie Alcantara :) Labing anim na taong gulang, matatagpuan ako sa Piela Sampaloc III Dasma Cavite, Maliit,Makulit, Hindi ako sobrang Ganda pero may mabuting kalooban :) Ako ay isang anak ng Diyos,mahilig kumanta,mahilig sumayaw, mahilig lumikha ng kanta at mahilig mag mahal.

EAT BULAGA







Dear Eat Bulaga,
 
         Nakakatuwa namang isipin na ang dami niyong natutulungan. Minsan nananalangin ako na sana yung baranggay naman namin ang sugudin nyo. Sugudin ng mga papremyo, bigyan nyo  naman din sana kami ng mga biyayang alam namin na binigay lang din sa inyong Diyos. Nalibot nyo na ang buong bansa bakit ba sa Piela sampaloc III Dasmarinas Cavite hindi pa? Pero hindi naman ako galit gusto ko lang pa experience ang blessings nyo. Dahil alam ko na makakatulong ito sa pag aaral ko, sa pag tupad sa mga pangarap ko. Alam ko na marami pa kayong matutulungan, sana lang ay hindi kayo mag sawang pasayahin at pakiligin ang inyong mga manunuod. Natutuwa din ako sa  Kalyeserye dahil pinapasaya nito ang mga manunuod lalo nat pinangungunahan ito ni Maine Mendoza at Alden Richard na sinamahan pa ng tatlong lola na lalong nag pasaya sa mga manunuod lalo na sa aking Nanay na minsan ng na inspired panoorin ito. 


   - Alam ko na ang Eat Bulaga ay hindi lang nag bibigay ng pa premyo, hindi lang bumuo ng isang organisasyon o programa kundi nag bigay at nag hatid din sila ng saya, tuwa, kilig at pag mamahal sa kanilang mga manunuod. Makakalimutan mo nalang talaga ang problema mo kapag narinig mo ang pangalang Jose Manalo dahil nadin sa pagiging malapit nya sa kanyang mga taga hanga ay lubos silang naiinganyuhang panuorin ang palabas na ito. 

     - Sa kabilang dako bilang pag hahambing sa asignaturang Filipino ang antas na ginamit sa wika ay balbal kung saan nabuo sa kagustuhan ng isang pangkat o grupo. Ang barayti ng wika ay sosyolek ito ay katayuan na ginamit ng wika. Ang tungkulin ng wikang ginamit ay Instrumental pagkat ito'y nanghihikayat.

Sabado, Setyembre 17, 2016

UNDERPASS: (The Theatrical Play)



Dear White light Production,

      Napakaganda, napaka husay ng inyong pagganap lubos kong naunawaan lahat ng mga sitwasyon sa buhay. Sa pag kakaroon ng malungkot na pamilya o sirang pamilya. Sa kahirapan na nag dudulot sa lahat na gumawa ng masama o mag tulak sa pinagbabawal na droga. Sobrang saya ko kase naka panood ako ng ganito na alam kong magiging inspirayon ng mga kabataan upang maka iwas sa kahit ano mang tukso. Sobrang sayang kung paano mo ipaglaban yung mga pangarap mo ng kasama ang Panginoon.Kung paanong kahit anong pagsubok na dumaan sa buhay mo, dadaan kalang pero hindi ka hihinto. Sobrang nakaka panabik o nakaka inspire na yung tiwala mo sa Panginoon hindi nawawala. Napaka saya ko nung araw na yon lalo na't napansin kong maraming kabataang nagustuhan o naantig sa kwentong yon. Sana patuloy nyo pang pag husayan ang pagganap nyo. Bigyan pa sana kayo ng Panginoon ng maraming biyaya na makakatulong sa ilang mga kabataan o mga matanda na wala sa pamamaraan ng Panginoon. Nag papasalamat ako sa Panginoon na ginawa niya kayong kasangkapan upang patatagin ang loob naming mga kabataan sa pag abot namin sa aming mga pangarap. At upang malaman namin na may Diyos na buhay na handang tumulong at mahalin ka sa Pagkakataong nangangailangan ka.


- Masaya ako na napanood ko ito. Sobrang saya dahil alam ko na sobrang nakatulong ito. Hindi lang sa sarili ko kundi sa lahat ng taong nangangarap, at sa mga taong nangangailangan ng Pagmamahal na minsan ay hindi naibibigay ng ibang tao. At natuwa ako sa layunin ng Palabas na ito na patuloy na sugpuin o iwasan ang droga na lumalaganap ngayon. At sa halip na marami ang maligaw marami ang muling malilinawan na ang Droga ay masama at hindi ito nakakatulong sa Pag papaunlad ng sarili o kahit na bansa pagkat ito'y nakakasira ng buhay. "Pahalagahan sana natin ang buhay na Pinagkaloob ng Panginoon at sa araw araw ay huwag nating kalimutang mag pasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap natin maliit man o malaki."

Sa kabilang dako bilang pag hahambing sa asignatura naming Filipino ang Antas ng Wikang ginamit sa palabas ay Balbal pagkat gumamit sila ng salitang kalye katulad ng kadalasang pinag uusapan sa isang tambayan at Pampanitikan dahil gumagamit ng salitang may iba pang kahulugan. At ang barayti naman ng Wika ay Idyolek at Dayalek. at ang Tungkulin ng wika na kanilang ginamit ay Interaksyunal dahil nag papatatag ito ng Relasyon at Interpersonal dahil nag nanghihikayat ito na huwag ng gumamit ng droga.